Krimen sa NCR tumamlay

Nabawasan ang crime rate sa Metro Manila nitong taon sa gitna ng mga ulat ng pagdukot, panghahalay at pagpatay sa bansa, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Batay sa datos ng NCRPO, bumaba ng apat na porsiyento ang crime rate sa rehiyon.

Mula Enero hanggang Agosto, 4,984 index crime ang naitala sa Metro Manila, mababa sa 5,202 nai-record noong nakaraang taon sa kaparehong period o natapyasan ng 4.19 porsiyento.

Ang mga tinutukoy na index crime ay ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at vehicle theft. (Issa Santiago)

The post Krimen sa NCR tumamlay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments