Tinukuran ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang plano ni Secretary Bienvenido Laguesma na gawing simple at mabilis ang serbisyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa at employer.
Sa confirmation hearing, tinanong ni Villafuerte si Laguesma kaugnay ng mga programa na nais nitong ipatupad sa kanyang departamento. Si Villafuerte ang majority leader ng CA.
Sa halip na gumawa ng mga bagong programa, sinabi ni Laguesma na mas gusto nito na magpatupad ng mga hakbang upang palakasin ang mga kasalukuyang programa ng DOLE para sa pagpapabuti sa kalagayan ng mga empleyado at mga employer.
“In simple terms po, yung mga programa na umiiral puwede pa pong ipagpatuloy,
yung accessibility po siguro at simplification ng mga rules para ng ganun po ay hindi malagay sa alanganin ang ating mga manggagawa na gusto kumuha ng serbisyo sa DOLE,” sabi ni Laguesma.
Sinuportahan ni Villafuerte ang plano ni Laguesma na makatutulong umano sa publiko at iminungkahi ang digitalization ng DOLE para sa kanyang layunin. (Billy Begas)
The post Laguesma pabibilisin serbisyo ng DOLE first appeared on Abante Tonite.
0 Comments