POGO worker dinagit ng Pinoy, 4 Chinese

Apat na Chinese at isang Pinoy na umano’y miyembro ng kilabot na sindikato na kumikidnap sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) worker ang dinampot matapos nilang dukutin ang isang babaeng Chinese sa isinagawang oporasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Huwebes.

Kinilala ang naarestong sina Yap Tiong EE, 37, HR staff; Li Wie Xiong, 40; Li Xing, 38,; Chui Qun, 28, pawang empleyado ng Pogo at Ernesto Cruz, 42, drayber.

Ayon kay CIDG Director Police Brig. Gen. Ronald Lee, isinagawa ang operasyon matapos na humingi ng tulong sa CIDG ang isang Jerry Go, isang Chinese national hinggil sa pagdukot umano ng mga suspek sa kaibigang si Amy Dan Li, na kinidnap ng grupo alas-singko ng hapon nitong Setyembre 14 sa Shoe residence Tower, Pasay City.

Sa reklamo ni Go, tinawagan umano siya ng mga suspek at humihingi umano ng P2M ransom.

Agad nagkasa ng entrapment operation ang CIDG National Capital Region Field Unit laban sa mga suspek na ikinaaresto nina Chui Qun at Ernesto Cruz Jr at nakuha sa kanila ang kalibre .45 baril at ang P2M entrapment money habang ang biktimang si Amy Dan Li ay na-rescue sa grey na van na gamit ng mga suspek.

Sa follow-up operation ng CIDG sa loob ng isang POGO office sa PITX sa Paranaque City ay

Nadakip ang tatlo pang suspek na sina Yap Tiong EE, Li Wei Xiong, at Li Xing. (Edwin Balasa)

The post POGO worker dinagit ng Pinoy, 4 Chinese first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments