Sadsad piso inismol ng mga employer

Minaliit ng mga employer ang pagsadsad ng piso kontra dolyar noong nakaraang linggo dahil mas masahol pa umano ang nararanasan ng mga karatig-bansa ng Pilipinas.

Naitala ang sunod-sunod na all-time low ng piso noong nakaraang linggo. Sumampa pa ito sa higit P57 at noong Biyernes ay nagsara ang palitan sa P56.82 kada US dollar.

“Actually, hindi pa mataas `yon kumpara sa mga katabi nating bansa,” pahayag ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr. sa isang panayam sa radyo.

Kung masamang balita para sa ekonomiya ang pagsadsad ng piso, sinabi ni Ortiz-Luis na ikatutuwa naman ito ng pamilya ng mga overseas Filipino worker (OFW) dahil mas malaki ang katumbas ng remittance o padala nilang pera sa Pilipinas.

The post Sadsad piso inismol ng mga employer first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments