Terror na titser yari sa DepEd

NAGSASAGAWA na ngayon ng imbestigasyon ang Department of Education-Kalinga (DepEd-Kalinga) matapos mapanood noong Lunes ang viral video ng umano’y pananakit ng guro sa dalawang Grade 5 na estudyante nang hindi ito makasagot sa mathematics exercise sa blackboard.

Ayon kay DepEd-Kalinga school division superintendent Amador Garcia Sr., napanood niya ang video na naganap noong April sa isang classroom sa Bangad Centro Elementary School (BCES) sa Tinglayan.

Sinabi ng opisyal, ito ay ini-upload sa social media nang magsimula ang pasukan nito lamang August 22.

Sa report, nakita ang pang-aabuso ng guro, na nagalit at sinaktan ang mga bata nang hindi nila masundan at masagot ang Math exercise sa blackboard.

Sinabi ni Garcia, bumuo sila ng child protection committee na magsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa alegasyon. (Allan Bergonia)

The post Terror na titser yari sa DepEd first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments