Inaprubahan na rin ng Senate committee on finance ang panukalang budget para sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na aabot sa halos P9 bilyong halaga.
Humarap sa pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara si Executive Secretary Lucas Bersamin.
Makalipas ang halos isang oras na pagdinig, inaprubahan ng komite ang panukalang P8.969 pondo ng Office of the President para sa 2023.
Kasama sa inaprubahang pondo ang P4.5 bilyong confidential at intelligence fund ng pangulo.
Napag-alaman na mas mataas ang naturang halaga sa kasalukuyang pondo ng OP na sa P8.18 bilyon.
Matatandaang binatikos ng ilang kritiko ang panukalang budget ng OP para sa 2023 partikular ang P4.5 bilyong confidential at intelligence fund nito na mas malaki pa umano kumpara sa pondo ng ibang ahensiya ng gobyerno. (Dindo Matining)
The post Senate panel inaprub P4.5B confidential, intel fund ni PBBM first appeared on Abante Tonite.
0 Comments