Mistulang lumambot ang Bureau of Immigration (BI) matapos magpasya na kanselahin na lamang ang alien visa ng mahigit 48,000 ilegal na manggagawa ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa halip na arestuhin ang mga ito.
Sa kanyang pagharap sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na bibigyan ng 59 araw na palugit ang tinatayang 48,000 ilegal na manggagawa ng mga POGO para boluntaryong umalis ng bansa o kakanselahin ang kanilang alien visa.
Ipinaliwanag ni Sandoval na malaki ang magagastos ng gobyerno kung maglulunsad sila ng mga pag-aresto dahil sasagutin ang pagkain at ibang pangangailangan ng mga dayuhang manggagawa habang nakakulong ang mga ito.
“Sa visa cancellation, hindi na kailangan i-hold ang custody of the foreign national which result entails in less expenses for the government. Pag inaresto at dinetain natin
yung mga foreign national, mas costs po yan na kaakibat gaya ng pagkain and such other matters. Even if
yung subject `yung sagot sa flight niya, may added gastusin sa Philippine government,” giit ni Sandoval.
Sinabi ni Sandoval na nasa proseso na sila ng beripikasyon sa mga dokumento ng mga naturang POGO worker at inaalam na ng ahensiya kung ilan na sa mga ito ang nakaalis sa bansa at kung ilan ang nananatili pa. (Aileen Taliping)
The post BI: Pag-aresto sa mga illegal POGO worker magastos first appeared on Abante Tonite.
0 Comments