Chinese vessel nadiskaril, tengga sa Tayabas

Napilitang dumaong ang isang Chinese cargo vessel sa Tayabas bay sakop ng bayan ng Pitogo, Quezon matapos umanong masiraan ng kanilang radar equipment at para umiwas na rin sa Bagyong Paeng.

Ayon sa report ng Pitogo police, tanghali pa ng Miyerkules nang mamataan ng mga mangingisda ang nasabing barko na humimpil sa territorial water ng nasabing bayan.

Agad itong pinuntahan ng mga miyembro ng Pitogo PNP upang magsagawa ng inspeksyon at alamin kung ano ang ginagawa nito sa lugar.

Napag-alaman na may sakay na 21 crew ang barkong may pangalang JU XI at patungo sana itong China nang masiraan.

Ayon sa ship captain nito na si Capt. Zhao Faxin, aksidente ang pagkakadaong nila dahil sa masamang panahon. Nangako naman ito na kaagad ding aalis sa lugar kapag bumuti na ang panahon. (Ronilo Dagos)

The post Chinese vessel nadiskaril, tengga sa Tayabas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments