Cryptic post ni Maggie patama ba sa dating asawa?

Ni: Glen P. Sibonga

Maraming naiintriga sa cryptic post ni Maggie Wilson sa kanyang Instagram lalo na sa ginamit niyang hashtag dito.

Ayon sa caption ng Instagram post ni Maggie, “If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women. #small🍆issues”

Walang pangalang binanggit si Maggie, kaya ang tanong ay patama ba niya ito sa dati niyang asawa na si Victor Consunji?

Lalo na nga’t ang sinasabi niya sa caption na “just file tons of cases against her” ay maaari umanong tumutukoy sa mga kasong kinakaharap niya na isinampa ng dating asawa.

Pero ang mas nakakuha ng atensyon ng netizens ay ang ginamit na hashtag ni Maggie na “#small🍆issues” lalo na ang eggplant emoji.

Narito ang ilang reaksyon at komento ng netizens:

“When your billions 💲 can’t buy you a big 🍆.”

‘I have similar case with you when I took my son from my ex. Indeed your hashtag relates to them 👊🏻.”

“The caption speaks for itself!”

“True small 🍆?”

Wala namang sinagot si Maggie sa mga nagkomento tungkol dito. (GLEN P. SIBONGA)

The post Cryptic post ni Maggie patama ba sa dating asawa? first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments