Politiko inintriga sa New York trip

Sino raw itong politiko ang iniintrigang naglakwatsa sa New York City kasama ang kanyang asawa?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, pinalabas umano ng politiko na dadalo ito ng seminar sa Canada upang matuto kung paano umano mapangalagaan ang kalikasan sa kanilang lalawigan.

Nagpakita pa ito ng resibo sa umano’y seminar pero kinuwestiyon ito ng kanyang mga kababayan dahil wala pang sampung tao ang kaharap ng politiko.

Suspetsa tuloy ng ilang constituent, ginamit lang na pakulo ang sinasabing seminar para makalibre ng tiket at pocket money sa kanyang biyahe sa abroad.

Ang classic nito, kasama pala niya si misis sa bakasyon sa Canada dahil pagkatapos nito ay tumawid naman sila sa New York. Dinaig pa raw nila ang nagha-honeymoon sa kanilang lamiyerda sa city that never sleeps.

Clue. Ang politiko na inintrigang naglakwatsa sa Estados Unidos ay hindi nagsusuklay.

The post Politiko inintriga sa New York trip first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments