Patuloy na umuunlad collegiate women’s basketball habang umusbong ang pagkakapantay-pantay sa 88th UAAP 2025-26 na may tagumpay at mga balitang hindi limitado sa iilan.
Limang manlalaro ang pinakamaliwanag na kuminang sa maraming hindi malilimutang sandali na hatid ng edisyon, umakyat sa tuktok at inukit ang kanilang mga pangalan sa liga.
Kaya kikilalanin sina Kent Pastrana at Brigette Santos ng University of Santo Tomas, Ann Pingol at Tin Cayabyab ng National University, at Kacey Dela Rosa ng Ateneo bilang Women’s Basketball Mythical Team sa Collegiate Press Corps Awards Strong Group Athletics sa Hunyo 29 sa Discovery Suites sa Ortigas, Pasig.
Sa huli taon, pinangunahan ni Pastrana ang Growling Tigresses sa pangalawang kampeonato sa tatlong taon sa average na 16.21 points, 6.78 rebounds, 4.36 assists, at 2.57 steals sa elims patungo sa ikaapat na pagpasok niya sa league Elite Team selection.
Tinapos ng 5-foot-7 winger mula sa Victorias, Negros Occidental ang karera hindi lang bilang isang kampeon Kundi isa ring Finals MVP, na nag-poste ng 13.0 pts., 7.7 reb., 5.3 asts., at 3.8 stls. sa tatlong larong Finals series kontra Lady Bulldogs.
Swak din ang kanyang kasamahang si Santos sa CPC Mythical Team, na tinitiyak na mananatiling matatag ang UST sa kabila ng pagtatapos nina Pastrana at Eka Soriano. Nagtala siya ng 10.29 pts., 3.71 asts., 3.5 rebs., at 2.5 stls.
Ang 2026 MVP na si Pingol ang unang Lady Bulldog na nanalo ng pinakamataas na indibidwal na parangal sa liga mula makaran Jack Animam noong 2017. Nagpakita ng mahusay na mga numerong 14.28 pts., 8.9 rebs., 5.14 asts., 3.57 stls., at 1.07 blocks.
Si Cayabyab ng NU ay napabilang din sa prestihiyosong listahan sa pagkuha ng 17.0 puntos, 5.07 rebounds, 2.64 assists at 2.2 steals.
Ang nakaraang taon na CPC Player of the Year at dalawang beses na league MVP na si Dela Rosa mamaw ngayong edisyon, nagdagdag ng isang karangalan sa kanyang listahan sa taunang awards night na mga pinapadrinuhan ng Converge FiberXers, San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Go For Gold, D’ Generals at Buffalo’s Wings ‘N Things.
Umukit siya ng 18.36 pts., 14.64 rebs., 2.58 blks., 2.36 asts., at 1.5 stls., nangunguna sa liga sa scoring, rebounding, at blocking. (Abante Tonite Sports)
The post Kent Pastrana bibida sa CPC Women’s Mythical Team first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments