Nag-rally nitong Sabado ang ilang grupo ng magsasaka sa harapan ng Department of Agriculture (DA) kung saan iginiit na bigyan sila ng cash subsidy na aabot sa P15,000 dahil na rin sa hirap na patuloy nilang nararanasan.
Bitbit ng mga magsasaka ang isang malaking whiteboard kung saan nakalista ang mga gastusin diumano na kinakaharap nila pagdating sa bukid at sa bahay.
“Iyong listahan na iyon ay pagpapakita na iyong bawat isang magsasaka ay kailangan niya ng P53,500 para makapagtanim sa isang ektaryang palayan, at iyong halaga na iyon, kalakhan doon ay inutang ng mga magsasaka dahil sa kawalan ng support subsidy ng gobyerno, at kapag nabenta ang kanilang palay sa P12 o P14 kada kilo, ay talaga naman sila ay luging-lugi na,” ayon kay Cathy Estavillo ng Amihan National Federation of Peasant Women.
Hinikayat ng grupo ang gobyerno na bigyan sila ng P15,000 cash subsidy.
Giit pa nila na bilhin ng pamahalaan kahit ang 20% hanggang 25% ng kanilang mga ani sa halagang hindi naman bababa sa P20 kada kilo para may magamit din silang panggastos sa pagtatanim at hindi na mangungutang pa. (Carl Santiago)
The post DA kinatok ng mga magsasaka sa P15K ayuda first appeared on Abante Tonite.
0 Comments