Daisy Melendres, Letran Lady Knights alpas-malas kontra vs Lady Bombers

Mga laro sa Sabado, Oktubre 29: (Rizal Memorial Coliseum, Maynila)
10 am – UPHSD vs NU
12:30 pm – UST vs FEU
4 pm – DLSU vs AdU
6:30 pm – UP vs ADMU

Umasa ang Letran Lady Knights kay Daisy Melendres upang putulin ang limang taong sumpa kontra Rizal Lady Bombers habang makinang ding umeksit ang Saint Benilde Lady Blazers sa dominasyon sa Arellano Lady Chiefs sa 2022 Shakey’s Super League Collegaite Pre-Season Championship classification Linggo ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila.

Nagtala si Melendres ng anim na puntos mula sa tig-3 attacks at blocks para sa 25-19, 25-18, 28-26 tagpas ng CSJL sa JRU pa-1-3 win-loss record ng una na pumang-13 at pagtulak sa huli sa 0-4 at pang-14 puwesto.

“Masayang-masaya po kami kasi natalo na rin namin ang JRU. Limang taon kaming hindi nananalo sa kanila kaya inspirasyon namin iyon sa huling laro namin ngayon. More to lose, Nothing to gain,” bulalas ni Melendres.

Pumukpok naman si Clydel Mae Catarig ng 10 attacks para sa pumang-11 ang CSB (2-2) sa pagdaig sa pumang-12 AU (1-3) 25-21, 25-22 at 25-20. (Lito Oredo)

The post Daisy Melendres, Letran Lady Knights alpas-malas kontra vs Lady Bombers first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments