Buntis butas ulo sa agaw-cellphone

Isang buntis na nakikipagkuwentuhan ang natodas nang barilin ng lalaking nang-agaw sa kanya ng cellphone matapos umalma ang una sa Sitio Estaca, Barangay Tunghaan sa Minglanilla, Cebu.

Sa report ni Police Lieutenant Crisanto Arreglo, deputy chief of police ng Minglanilla Police Station, ganap na alas-otso ng gabi noong Oktubre 22, habang nakikipagtsikahan ang biktimang si Noraliza Batacura Awayas, 26, sa kaibigang si Melody Mae Restulla ay dumating ang suspek at hinablot ang cellphone ng biktima.

Sinasabing pumalag si Awayas sa suspek kaya naglabas ito ng baril at dalawang beses pinutukan sa ulo ang buntis gamit ang.45 caliber pistol.

Ayon sa mga saksi may kasama ang salarin na sakay sa motorsiklo.

Wala pang pagkakakilanlan ang suspek at motibo sa pagpatay. (Kiko Cueto)

The post Buntis butas ulo sa agaw-cellphone first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments