Megan pinaiyak si Mikael

By Rommel Gonzales

Kilig overload ang inihatid kagabi nina Mikael Daez at Megan Young sa Running Man Philippines!

Sinorpresa kasi si Mikael ng kanyang misis sa South Korea.

Ikinuwento ng mag-asawa ang mga nangyari bago ang naging reunion nila sa reality show.

“Fofo, sabihan mo ako kelan yung last taping day n’yo, ‘tapos magbo-book ako. Iikot tayo ng Korea sa last week mo. So, iyon yung ine-expect niya na time na darating ako,” umpisang kuwento ni Miss World 2013 na si Megan.

Wala raw talagang idea si Mikael na may big surprise na mangyayari bago sila tumulak sa Mokpo, South Korea para sa kanilang race para sa kanilang Mukbang Bingo race.

Kuwento naman ni Mikael…

“I remember the night before the taping day na sinurprise niya ako. We were on the phone, the whole day hindi niya ako nire-reply-an. Pero ako naisip ko, ‘Baka busy siya’, tapos eventually nung sumagot siya sabi niya, ‘Ay, Fofo I was in the movies with a friend, tapos I was doing something. I was doing this’, hindi ko na inisip.”

“Sabi ko, ‘Ah, okay. Sige’, Yun pala lumilipad na siya papuntang Korea.”

Hindi napigilan ni Mikael na maluha kahit pigil na pigil siyang bumigay sa pag-iyak sa sobrang tuwa pagkakita sa misis niyang miss na miss na niya.

Mahigit isang buwan sina Mikael sa South Korea para sa shoot ng Running Man Philippines.

“’Yung energy levels ko sa sobrang excited ko para akong ibang tao.”

“This is going to be the first time na magpapakita ng athleticism ang Miss World natin.”

Napanood din sa Running Man Philippines sa latest race nila bilang guest ang Sparkle TV host and actor na si Andre Paras.

The post Megan pinaiyak si Mikael first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments