Ilalarga ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagrepaso sa Local Government Code of 1991 at kabilang sa puntirya nito ang regulasyon sa mga electric tricycle o e-trike.
“Meron talagang mga provisions sa Local Government Code na talagang dapat i-review at pag-usapan nang husto,” pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos sa Kapihan sa Manila Bay.
Kabilang sa nais suriin ni Abalos ang patakaran sa mga e-trike nang tanungin siya tungkol sa regulasyon ng rehistro at pasahe sa mga naturang sasakyan.
“Siguro pag-usapan na lang namin ito kasi usually ang jeepneys ay talagang nasa [Land Transportation Office]. Ang tricycle ay sa LGU (local government unit, kaya itong mga e-trike ay dapat nasa LGU,” ani Abalos.
Dagdag ng kalihim na pinahintulutan lamang ang paggamit ng e-trike noong magkaroon ng pandemya dulot ng COVID-19 dahil sa kakulangan ng mga pampasaherong sasakyan. (Dolly Cabreza)
The post DILG puntirya pasahe, rehistro ng mga e-trike first appeared on Abante Tonite.
0 Comments