CHR, DILG sisilipin banta kina Ed Lingao, Lourd de Veyra ng TV5

Iimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga ulat ukol sa pagbabanta diumano sa dalawang media personality na sina Ed Lingao at Lourd de Veyra ng TV5.

Binigyang-diin ng CHR na hindi maaaring basta na lamang magpapahayag ng anumang pagbabanta upang makapinsala sa buhay ng mga mamamahayag, kahit pa ang ang mga ito ay sinadya o palihim.

Kaugnay ito sa Facebook post ni Lingao noong Martes kung saan ipinakita ang screenshot ng tweet ng isang “Seth Corteza ng Metrosun” na nagsasabing dalawa pa ang kasama sa “kill contract,” at pagkatapos ay pinangalanan ang dalawang mamamahayag.

Nanawagan din ang CHR sa pamahalaan para aksyonan ang mga ganitong paglabag upang matigil ang mga pag-atake sa media.

Samantala, tumugon din sa naturang isyu si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at sinabing paiimbestigahan niya ito sa Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP).

“Bring them over to our cybercrime. I will ask our police to take note of this, and we could trace this, we could trace this,” sabi ni Abalos. (Dolly Cabreza)

The post CHR, DILG sisilipin banta kina Ed Lingao, Lourd de Veyra ng TV5 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments