DOH: Generic na gamot kasingbisa ng branded

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas at epektibo ang mga generic medicine katulad ng kanilang mga branded counterpart.

“People have to understand also whether it be branded or unbranded generics, pareho lang ang safety, efficacy,” ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa ginanap na press briefing.

Sinabi ni Vergeire na pareho lang ang ibinibigay na “effectiveness” ng generic at branded na gamot hangga’t may clearance ito ng Food and Drug Administration (FDA).

“Kung pupunta kayo sa drugstore na linsensyado ng Food and Drug Administration, kasi `yung mga drugstore po ay hindi puwedeng magbenta ng mga counterfeit at pekeng gamot,” pahayag naman ni DOH Pharmaceutical Division director Dr. Anna Melissa Guerrero.

Sabi ni Guerrero, gumagamit ng generic na gamot ang mga doktor ng DOH at maganda naman ang nagiging resulta nito.

“Marami na po tayong nakikita na outcomes din po na meron kaming hypertension program, diabetes program at nakokontrol naman po yung kanilang blood sugar at high blood,” dagdag pa ni Guerrero. (Juliet de Loza-Cudia)

The post DOH: Generic na gamot kasingbisa ng branded first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments