FDA sinasala pa COVID bakuna sa 4-anyos pababa

Bukas ang Department of Health (DOH) na payagan ang pagbakuna kontra COVID-10 sa mga batang apat na taong gulang pababa subalit kasalukuyan pa umanong hinihintay ang pag-aaral na ginawa ng Food and Drug Administration (FDA) hinggil dito.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kailangan pang dumaan sa pag-apruba ng FDA ang emergency use authorization (EUA) ng bakuna para sa mga batang apat na taong gulang pababa.

“Tayo naman po dito sa Kagawaran ng Kalusugan, bukas tayo lalong-lalo na alam natin na ‘yung mga vulnerable sector natin, kailangan mabakunahan. Pero tayo rin…kailangan dumaan tayo doon sa proseso ng page-evaluate nitong mga produktong ito,” sabi ni Vergeire sa isang press conference.

The post FDA sinasala pa COVID bakuna sa 4-anyos pababa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments