Ateneo sinapawan UP, La Salle sa world ranking

Nanguna ang Ateneo de Manila University (AdMU) sa mga paaralan sa Pilipinas sa pinakabagong global ranking na inilabas noong Miyerkoles ng isang British higher education magazine.

Sa bagong global ranking ay napatalsik ng AdMu ang University of the Philippines (UP).

Batay sa 2023 World University Rankings ng Times Higher Education (THE), umakyat ang Ateneo sa 351-500 bracket. Hindi ito kasama sa mga nakaraang university ranking.

Pangalawa ang UP na siyang nangunang paaralan sa Pilipinas sa mga nakaraang taon matapos na bumaba sa 801-1000 bracket mula sa 601-800 grouping.

Napanatili naman ng De La Salle University (DLSU) ang puwesto nito sa 1201-1500 bracket habang ang Mapua University ay pumasok sa listahan sa 1501+ bracket.

Ang Cebu Technological University, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, University of Santo Tomas, University of Science and Technology of Southern Philippines, Tarlac Agriculture University at Visayas State University ay nakalista na may status na “reporter”. Ibig sabihin nito, nagbigay sila ng datos para maisama sa university rankings ngunit hindi umabot sa pamantayan.

Ang University of Oxford sa United Kingdom ang nanguna sa world ranking habang ang Tsinghua University sa China ang nangungunang unibersidad sa Asya. (Dolly Cabreza)

The post Ateneo sinapawan UP, La Salle sa world ranking first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments