Highway sa Pagudpud natabunan ng landslide

Pinangangambahan umano na tatagal pa na hindi madaanan ang national road sa bahagi ng Sitio Banquero, Barangay Pancian, Pagudpud, Ilocos Norte dahil sa patuloy na pagguho ng bundok dito.

Base sa inilabas na larawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Ilocos Region, makikita ang mga gumuhong lupa sa kalsada mula sa bundok.

Ayon kay Hendrick Pedronan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nagsimulang hindi madaanan ang national highway noong Linggo, Oktubre 16, dahil sa pananalasa ng bagyong `Neneng’.

Aniya, pinangangambahang mas tatagal pa ang ganitong sitwasyon dahil sa masamang panahon at epekto ng bagyong `Obet’.

Ang natabunang bahagi ng national highway ay dinadaanan papasok at palabas ng Ilocos Norte sa hilagang parte ng lalawigan. (Allan Bergonia)

The post Highway sa Pagudpud natabunan ng landslide first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments