INAASAHANG makakamit na ng pamilya ang hustisya sa pagkamatay ng beteranong brodkaster na si Percy Lapid makaraang sumuko ang umano’y gunman.
Ayon kay National Press Club President Lydia Bueno, makatutulong ang pagsuko ng umano’y gunman na kinilalang si Joel Estorial para sa tuluyang ikalulutas ng naturang kaso.
Subalit sinabi ng pangulo ng NPC na hindi pa rin dapat makampante ang lahat sa kabila ng pagsukong ito ni Estorial.
Aniya, bagama’t sinabi ni Estorial na galing sa loob ng New Bilibid Prison ang kumontrata at nag-utos sa kanya na ipapatay si Lapid kapalit ng halagang P550,000.00, kailangan pa rin ng masusing imbestigasyon sa iba pang detalye na may kinalaman dito para matukoy ang mastermind.
Malaki umano ang pag-asang matukoy at masukol ang iba pang sangkot sa krimen sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng Bureau of Corrections na pinamumunuan ni Director General Gerard Bantag; Sec. Benhur Abalos, ng Department of Interior and Local Government; Sec. Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice at General Rodolfo Azurin, Jr., ng Philippine National Police.
The post Hustisya sa pagkamatay ni Percy abot-kamay na – NPC first appeared on Abante Tonite.
0 Comments