Boy supportado ang karapatan ng mga kababaihan sa Amerika

NI: ROLDAN CASTRO

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama sa isang event sina Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, Filipino-American businesswoman and philanthropist Loida Nicolas Lewis at Los Angeles-based Filipino-American businesswoman at CEO ng O Skin Care Olivia Quido-Co, para sa isang intimate conversation na inorganisa ng Friends of the Philippines Society USA Incorporated (FPHSUSA Inc). Ginanap ito sa Players NYC sa Gramercy Park sa New York City.

Sumentro sa ‘Women Empowerment’ ang kuwentuhan na pinangunahan ni Asia’s King of Talk Boy Abunda. Ibinahagi niya ang ilang natatanging kuwento ng kasaysayan sa Amerika na hindi naging madali ang daan para sa mga kababaihan para mabigyan ng mga karapatang hindi nila natatamasa noon gaya ng ‘right to vote’ o karapatang bumoto.

Sa loob ng mahigit isang oras, naging makulay ang pagbabahagi ng tatlong bisita ng kanilang mga kuwento ng tagumpay, adbokasiya at pag-ibig.

Gaya ni Olivia Quido-Co, na binigyang pagpapahalaga ang paggabay ng kanyang mga magulang at salita ng Diyos sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo.

Sa pagtatapos ng programa, ginawaran ng Asian American Minority Business Excellence Award si Quido-Co.

Ayon sa event organizers na sina Jerry Sibal at Edwin Josue: ‘FPHSUSA Inc has bestowed an award to Olivia Quido-Co for her breakthrough success in the mainstream USA with her skin care line as endorsed by the Miss Universe Organization.’

The post Boy supportado ang karapatan ng mga kababaihan sa Amerika first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments