Piolo, Ruru, Bianca malabo magsama sa serye

NI: NITZ MIRALLES

Always present si Piolo Pascual kapag may ipinapakilalang new endorser ng Turks. Sina Ruru Madrid at Bianca Umali ang bagong ambassador.

Dahil dito, naniniwala ang marami na co-owner si Papa P ng nasabing food business.


Kasama rin si Piolo sa picture taking. May isang larawan na nagtatawanan silang tatlo na gugustuhin mong malaman kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Unang pagsasama yata ‘yun ng tatlo at nakatutuwang nagkasundo agad sila.

Malabo yata ang request ng mga netizen na magsama sa isang TV series sina Piolo, Bianca at Ruru dahil magkaiba sila ng network. Posible pa silang magsama-sama sa pelikula, pero saang film company?

The post Piolo, Ruru, Bianca malabo magsama sa serye first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments