Noong kasagsagan ng pandemic, marami ang nagtatanong kung makakabalik pa ba ang showbiz industry dahil maraming mga artista natin ang walang trabaho. Ang iba ay nag online selling para mapunuan ang pang araw-araw na gastos.
Nagkaroon pa nga ng mga online concert ang magagaling natin singer para hindi sila mabato at ma-exercise ang kanilang vocal chords.
Pero unti-unti nawawala ang virus, nabuhay ulit ang music industry dahil sa sunod-sunod ang mga concert ng foreign at locals artist.
Dahil dito, maraming aspirant singer na gustong ibahagi ang kanilang talento .
Isa na rito ang alaga ni 1st season runner-up Froilan Canlas, na si Kinn Reyes.
Siya ang nag-compose ng debut tracks nito entitled “Signs,” Digitally release ito noong birthday niya last October 12, under Believe Music.
Si Kinn ay nakatira sa Plaridel, Bulacan. Gusto niyang mapabilang sa nga sikat natin singer tulad nina Michael Pangilinan, Bruno Mars, Ed Sheeran at Michael Jackson.
Nagsimula siyang magkainteres noong sophomore student siya sa Enderun College . Hindi niya namalayan kumakanta na siyang mag-isa.
Doon nagsimula ang kanyang pangarap na maging singer. Ito’y sa influence ni coach Froilan.
Napanood siya sa online show gaya ng “It’s ShowTime, IWant ASAP, Letters and Music, Myx Global, GMA Playlist at sa iconic Wish Bus” para i-promote ang kanyang latest single “Tamang Panahon” under Universal Records.
Out na ito sa Spotify, YouTube, Apple Music ganun din sa Itunes at sa iba pang major streaming platforms worldwide.
Sa ngayon magkakaroon siya ng post birthday concert sa October 16 2022 sa BEVITORE Bar , Tomas Morato. Ang kikitain ng show ay mapupunta ss “Bahay at Yaman” ni San Martin de Porressa Bustos Bulacan.
The post Kinn trip lumevel kina Michael Pangilinan, Bruno Mars, Ed Sheeran first appeared on Abante Tonite.
0 Comments