Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang abogado at isang information technology expert bilang mga commissioner ng Commission on Elections (Comelec).
Ang ad interim appointment nina Atty. Ferdinand Maceda Jr. at Nelson Celis ay ipinadala ng Office of the Executive Secretary sa tanggapan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia noong Oktubre 3, 2022.
Si Celis ay re-appointed matapos na hindi makalusot sa Commission on Appointments.
Isang election lawyer si Maceda habang si Celis ay isang information technology expert at academician.
Nagpaabot naman ng pagbati ang Comelec sa dalawang bagong commissioner matapos matanggap ang pag-endorso sa mga ito mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin. (Aileen Taliping)
META: Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang election lawyer at isang information technology expert bilang mga commissioner ng Commission on Elections.
The post Maceda, Celis hinirang ni Marcos sa Comelec first appeared on Abante Tonite.
0 Comments