MMDA ilalarga truck ban sa Roxas Boulevard

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng pansamantalang truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila sa susunod na buwan ng Nobyembre.

Base sa ulat ng Unang Balita, sinabi ni MMDA acting chairman Carlo Dimayuga III na ipatutupad ang truck ban para sa isasagawang pagkumpuni ng kalsada ng Department of Public Works and Highways sa harapan ng US Embassy.

Sakop aniya ng pansamantalang truck ban ang mga trailer truck na tumitimbang ng mahigit 4,500 kilogram. Matatapos naman ito kapag nagawa na ang road repair.

The post MMDA ilalarga truck ban sa Roxas Boulevard first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments