Sugal, tupada talamak: Gab binoldyak ni Tulfo

Pinalugitan ni Senador Raffy Tulfo ang Games and Amusement Board (GAB) ng limang buwan para ipresenta ang resulta ng kampanya laban sa problema sa illegal gambling.

“Marami na pong buhay ng estudyante ang nasayang, nasira ang kanilang pag-aaral, natutong gumawa ng illegal, pumapasok sa kriminalidad. Yet for so many years, GAB is not doing ‘s-h-i-t,’” pahayag ni Tulfo sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2023 budget ng GAB.

Ayon kay Tulfo, wala siyang narinig na anumang ulat tungkol sa GAB hinggil sa sa kanilang raid sa mga illegal gambling joint at cockfighting pits o tupada.

“Puro CIDG (Criminal Investigation and Detection Group), pati mga barangay tanod, pero ‘yung GAB, nasaan)?” tanong ng senador.

Nilinaw naman ni GAB Legal Division chief lawyer Ermar Benitez na nakikisa naman sila sa mga raid laban sa illegal gambling.

Paliwanag pa niya, ang sangay ng GAB na nag-iimebstiga sa illegal gambling ay hindi ‘organic’. “It is composed of the detailed personnel of the PNP, the NBI (National Bureau of Investigation], and the CIDG.”

Subalit hindi kinagat ni Tulfo ang paliwanag ng GAB at hinamon pa silang magbitiw na lang kung hindi makakahuli sa gagawin nilang raid.

“In the next few months, if wala kayong nahuli, at sa mga tupada hindi kayo kasama sa raid at puro pulis lang, will it be safe enough to tell you na lahat kayo d’yan sa GAB ay inutil, therefore, isa-isa kayo magsi-resign,” hamon ni Tulfo. (Dindo Matining)

The post Sugal, tupada talamak: Gab binoldyak ni Tulfo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments