Pinangangambahan ng Department of Energy (DOE) na lalo pang sisirit ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Mangyayari umano ito sakaling itinuloy ng Organization of the Petroleum Exporting Countries ang plano nitong bawasan ng dalawang milyong barrel kada araw ang produksyon ng langis simula sa Nobyembre.
“Kapag nagbaba sila ng actual na two million, ano mangyayari? Ang sagot ko diyan, tutuloy-tuloy na ang increase. Hindi ko alam kung hanggang kailan,” saad ni Rino Abad, direktor ng Oil Industry Management Bureau ng DOE.
Sa ngayon pinag-aaralan ng gobyerno ang mga hakbang para mapagaan ang pasanin ng publiko dulot ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Kinokonsidera ng gobyerno ang pagsuspinde sa excise tax, kasunod ng panawagan ng transport sector para mapagaan kahit papaano ang pasanin nila sa mataas na presyo ng langis. (Issa Santiago)
The post Presyo ng langis lalo pang sisirit first appeared on Abante Tonite.
0 Comments