3 Nigerian kalaboso sa marijuana

Himas-rehas ngayon ang tatlong Nigerian matapos masakote sa ikinasang drug bust ng kapulisan sa Baguio City kamakalawa.

Base sa report ng Baguio City Police Office (BCPO), kinilala lamang ang mga dayuhang suspek sa alyas na `Yepee, 23; `Jerry/Jusi’, 21; at `Anglian’, 22, na pawang pansamantalang naninirahan sa nasabing siyudad.

Unang nakatanggap umano ng intelligence report ang mga pulis na nagbebenta ng droga ang mga suspek sa ilang lugar sa Baguio City.

Napag-alaman na mga estudyante ang tatlong dayuhan at nasa listahan diumano ng mga high-value individual sa kalakalan ng ilegal na droga.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P11,400 at mga drug paraphernalia.

Nasa kustodiya ngayon ng BCPO ang tatlong suspek na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Allan Bergonia)

The post 3 Nigerian kalaboso sa marijuana first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments