Ni Rommel Gonzales
Panibagong karangalan ang ibinigay ni world champion gymnast Carlos Yulo sa Pilipinas dahil nagwagi siya kagabi ng Silver Medal para sa Men’s Vault category at Bronze Medal para naman sa Men’s Parallel Bars category sa Apparatus Finals Day 2 sa 2022 Artistic Gymnastics World Championships na ginanap sa Liverpool sa England.
Pumuwesto rin si Carlos na pang-anim sa overall category sa pitumpung bansang nag-participate sa naturang sports event.
Ngayong araw na ito ay lumipad na ang buong grupo ni Carlos kabilang si Madam Cynthia L. Norton (President of Gymnastics Association of the Philippines) at ang Japanese coach ni Carlos o Caloy na si Munehiro Kugimiya pabalik sa Japan kung saan naka-base si Caloy upang magpahinga sandali at pagkatapos ay muli siyang sasabak sa training para naman sa mga susunod pa niyang competition sa February at March 2023.
Sa December ay uuwi si Caloy sa Pilipinas upang makapiling ang kanyang pamilya sa Pasko at habang naririto ang kampeon ay aasikasuhin naman ng managing director ng KG Management na si Jun Esturco ang iba pang activities ni Caloy, tulad ng meet-and-greet at ang mga prospective commercials and endorsement deals ni Caloy.
Ang KG Management ang agency na humahawak ng marketing side ng mga non-sports related na ganap ni Caloy.
The post Carlos Yulo nakasungkit ng dalawang medalya kagabi sa England first appeared on Abante Tonite.
0 Comments