Antique governor pasaklolo sa mga nasirang tulay

Nanawagan ang gobernador ng Antique ng saklolo para makumpuni ang mga nasirang tulay sa lalawigan upang bumalik na sa normal ang kanilang pamumuhay matapos hagupitin ng bagyong Paeng.

Ayon kay Governor Rhodora Cadiao, mahalaga na maibalik sa ayos ang mga nasirang tulay sa Oyungan at Paliwan dahil sa ngayon aniya kinakailangan pang sumakay sa bangkay ang mga tao para lamang makatawid.

Ang Paliwan Bridge ang nagdudugtong sa mga bayan ng Laua-an at Bugasong.

Ayon kay Cadiao, kinakailangan pang bumiyahe ng mga tao ng limang oras para lamang makarating sa Iloilo City dahil hindi pa madaanan ang tulay.

Bahagya namang nasira ang Oyungan Bridge sa Miagao, Iloilo na tanging daanan papuntang southern Antique.

“Until vehicles cannot pass through there, in the north in Paliwan, in the south is Oyungan, there will never be normalcy here. Although the people can walk through makeshift bridges, there is no normalcy at the moment,” ayon kay Cadiao. (Prince Golez)

The post Antique governor pasaklolo sa mga nasirang tulay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments