TEAM STANDING
POOL A W L
NU 5 0
UST 4 1
AU 2 3
DLSU 2 3
AdU 1 4
CSB 1 4
POOL B W L
AdMU 4 1
UPHSD 4 1
FEU 3 2
SBU 3 2
UP 1 4
SSC-R 0 5
Naka-two points lang, pero may 16 excellent sets si playmaker Dux Euan Yambao nang patalsikin ng Santo Tomas Tiger Spikers ang Saint Benilde Blazers, 25-18, 25-16, 25-18, upang mag-No. 2 seed sa Pool A sa 14th V-League 2022 Men’s Collegiate Challenge elims Linggo ng gabi sa Paco Arena sa Maynila.
Sumagpang ng 10 points bawat isa sina Rey Miguel De Vega, Rainier Flor at Alche Gupiteo sa pagtiklop ng UST sa kampanya sa 4-1 win-loss slate sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc. at mga hatid ng Asics, Beyond Active Wear at Mikasa.
“Nag-iimprove pa sila, medyo yung ginagawa namin sa training talagang nalabas nila sa laro,” suma ni España-based squad assistant coach Benjamin Mape, na rumelyebo pansamantala kay coach Arthur ‘Odjie’ Mamon at sinalya ang biktima sa 1-4.
Sa likod naman ng 20 markers ni Kennedy ‘Ken’ Batas, dinagit ng Ateneo Blue Eagles (4-1) ang talsik na ring UP Fighting Maroons (1-4), 22-25, 25-22, 25-22, 25-17, at kopoin ang Pool B top spot.
At pinasan ng 12 excellent sets rekado ang 5 pts. ni Adrian Villados ang Arellano Chiefs (2-3) sa pagpapabagsak sa Adamson Soaring Falcons (1-4), 25-22, 25-21, 25-20. (Elech Dawa)
The post Dux Yambao, University of Santo Tomas Tiger Spikers No. 2 sa semis first appeared on Abante Tonite.
0 Comments