Bessie ng Lapillus ginawan ng cover ang ‘Amakabogera’ ni Maymay

Ni: Glen P. Sibonga

Iba talaga ang powers ng hit song ni Maymay Entrata na “Amakabogera” dahil pati ang lead singer ng K-Pop group na Lapillus na si Bessie ay ginawan ng cover version ang naturang kanta.

Mapapanood ang version ni Bessie ng “Amakabogera” sa YouTube channel ng Lapillus.

Narito ang ilang tweets ng netizens sa ginawang cover ni Bessie sa kanta ni Maymay:

“this is exactly why she’s the main vocalist and she freaking ate that up”

“They mentioned wanting to collaborate with Yeng and MayMay Entrata back then and now #Bessie covered maymay’s song”

Samantala, muling nagbalik sa Pilipinas ang Lapillus para sa panibagong promotional activities kasama ang kanilang labelmates sa MLD Entertainment, ang Korean boyband na TFN.

Noong Setyembre ay nagkaroon sila fan meets at guestings sa iba’t ibang shows sa Pilipinas. (GLEN P. SIBONGA)

The post Bessie ng Lapillus ginawan ng cover ang ‘Amakabogera’ ni Maymay first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments