Morena bagong reyna ng bikini open

Nasungkit ni Morena Carlos ang korona bilang Cosmo Manila Queen 2022. Ginanap ito sa SM North Skydome at prodyus ni Marc Cubales.

Ano ang feeling na siya ang bagong reyna sa malakihang bikini pageant pagkatapos dumaan sa pandemya?

“To be honest hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang saya kasi siyempre po 1st ever Cosmo Queen po ito. Sobrang laking blessing po nito sa akin .Dumating siya sa pinaka hindi ko inaasahan na pagkakataon. ‘Di ko masabi talaga into words kasi hanggang ngayon para pa rin po akong nakalutang,” deklara niya sa chat.

🤍Magiging bahagi na ng Cosmo Manila history si Morena dahil sa pagkapanalo.

❤

Sa palagay niya saan siya umangat sa ibang kandidata kaya nasungkit niya ang korona?

“17 po kami lahat naglaban -laban .It may sounds cliche pero everyone is deserving po at hindi po masabi kung sino talaga .Nasa judges na lang po talaga ang desisyon .

“Sa palagay ko po, isa sa dahilan kung bakit ko po nasungkit ito dahil naramdaman nila na ini-enjoy ko po ‘yung laban,’ yung pagrampa at attitude ko sa stage,” sambit pa niya.

Two hundred thousand pesos ang napanalunan ni Morena. Saan niya ito gagamitin?

“For my family and for my future, I’m planning po na magtayo ng maliit na business para umiikot po ‘yung pera, either mga foods like or clothes po pero if kakayanin ko po kahit both po. Nagka -small business na rin po ako before kaso tinamaan po ng pandemic kaya pinaplano ko po ituloy ulit ngayon para mas makatulong po sa amin,” lahad pa ni Morena.

Siya ay under Star Magic Polaris dahil naging first runner-up siya ng ‘Showtime Sexy Babe‘. Huling proyekto niya ay isang shampoo online ad commercial.Katatapos din niyang mag-shoot para sa FedEx at isang brand ng cellphone.

Susubukan din niyang umarte sa pelikula at telebisyon pag may pagkakataon🤍. (Rona Avecilla)

The post Morena bagong reyna ng bikini open first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments