DOH pinoporma pa ang action plan vs diarrhea outbreak

Nakikipag-ugnayan na umano ang Department of Health (DOH) sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makabuo ng short-term plan na tutugon sa problema ng diarrhea outbreak sa bansa.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, sa ginawang pag-iimbestiga ng ahensiya, nabatid na ang kakulangan ng suplay sa ligtas na tubig, kawalan ng sanitary facility at mga baradong daanan ng wastewater ang karamihan sa mga problemang kinakaharap ng mga lugar kung saan nagkaroon ng outbreak ng pagtatae.

“Pinaliwanag natin sa kanila na ang cause ng pagkakasakit ng isang tao, based on experience and studies, 20% lang diyan will be directly caused by health, 80% or so will be caused by other factors outside of health, which can be the environment, education, occupation, and so on,” ani Vergeire.

“Ito pong lahat ay pinag-usapan, nagkaroon ng resolution kung saan gagawa kami ng isang short-term plan ng mga action na puwedeng gawin ng bawat ahensya hanggang December of this year to address initially itong mga outbreaks ng pagtatae sa ating bansa,” paliwanag pa ni Vergeire. (Issa Santiago)

The post DOH pinoporma pa ang action plan vs diarrhea outbreak first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments