Winner ang advance screening ng pelikulang Decibel. Ang fave naming Korean actor na si Lee Jong Suk ay ibang-iba ang role dahil first time naming napanood na bida-kontrabida sa big screen. Ibang-iba sa mga ginampanan niyang karakter sa mga K-drama na I Can Hear Your Voice, Doctor Stranger, Pinocchio, W.
Effective siyang kontrabida dahil galit na galit ‘yung ale sa kabilang side na nanonoo.
.Si Kim Rae-Won ang pinakabida pero pinaiyak kami nina Jong Suk at Cha Eun-woo bilang magkapatid. Grabe ang cast ng Decibel dahil kasama rin nila si Lee Min Ki.
Sana may ganito rin sa Pinas na magsama-sama sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Alden Richards, Ruru Madrid. O kaya sina John Lloyd Cruz, Daniel Padiila, Joshua Garcia at Gerald Anderson. Yung tipong ganun. Maaksyon ang pelikula, nakaka-tense sa umpisa pero hindi nawawala yung Korean twist na paiiyakin ka. Panalo rin ang musical scoring.
Ang Decibel ay pangmalakasang Korean movie na mapapanood na ngayon sa Philippines cinemas nationwide, Isa itong action-thriller movie.
Isang pelikula ng screenwriter-director na si Hwang In-Ho,
Isang former deputy commander mula sa Navy na si Do-Yeong (Kim Rae-Won) ang nakatanggap ng tawag mula sa hindi kilalang lalaki (Lee Jong-Suk). Nagbabanta itong pasasabugin ang isang football stadium na puno ng tao, gamit ang bomba na sumasabog kapag na-trigger ng paligid nito ang noise level at umabot ang decibel sa 100.
Gamit ang kanyang kaalaman at husay bilang isang dating parte ng Navy, pipigilan ni Do Yeong ang kakaibang pamamaraan ng pagpapasabog ng bomber at maililigtas ng daan-daang inosenteng buhay.
Pero ang lalaki sa likod ng pagpapasabog at ng mga threatening phone calls ay mananatiling misteryo at magbabanta pa ulit na magpapasabog pa ng bomba sa iba’t ibang lugar kung saan mahirap i-control ang ingay at mas maraming inosente ang madadamay.
Mas magiging personal pa para kay Do Yeong ang sitwasyon dahil ang sarili na niyang pamilya ang mismong babantaan na maging biktima ng terrorist attack.
Sa maingat at pinag-isipang plano, susubukan ni Do Yeong na hanapin at pigilan ang pagsabog ng mga sound-operated bombs at iligtas ang lahat. Magtagumpay kaya siya? O magiging huli na para kay Do Yeong na patigilin ang mga ingay para hindi sumabog ang mga bomba?
Binahagi ng Korean superstars na sina Kim Rae-Won at Lee Jong-Suk ang ginawa nilang paghahanda para sa mga naging role sa pelikula. Si Kim Rae-Won mismo ang gumawa ng kanyang mga action at intense scenes at hindi gumamit ng mga stunt doubles. “I talked with the director and we agreed that action scenes including car chases would be performed by a stunt double. But we had the discussion again on the set and I decided to perform the scenes myself to create a better film.”
Binahagi naman ni Lee Jong-Suk ang experience niya kung paano niya pinaghandaan ang role ng isang kontrabida at kung paano siya naka-connect sa character nito. “The character has an underlying sadness. I didn’t think he is simply a villain, but I tried to think of him as a character that has various emotions that are concentrated.”
Sa husay ng casting, isang unique concept ng sound-triggered bomb, at masuhay na pagkakasulat ng screenplay kung saan ang direktor na si Hwang In-Ho rin ang isa sa mga screenwriters, asahan na ang Decibel ay isa nanamang magiging sikat na Korean movie na maisasama sa listahan ng mga paborito mong action movies.
Walang oras ang dapat sayangin, maraming panganib ang haharapin. Gumalaw na at dahan-dahan sa pagkilos, dahil sa bawat ingay ang bomba’y maaraming sumabog. Panoorin na ang Decibel.Now showing sa mga sinehan.
The post Lee Jong Suk salbahe, nagpasabog ng bomba first appeared on Abante Tonite.
0 Comments