Namatay sa ‘Yolanda’ mas marami – Marcos

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumbinsido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bilang ng mga namatay sa Yolanda typhoon na nanalasa sa Samar noong Nobyembre 8, 2013.

Sinabi ng Pangulo na sa unang araw pa lang matapos ang trahedya ay batid nitong marami ang namatay subalit hindi naisama sa opisyal na bilang ng mga casualty.

Ipinatigil aniya ng mga dating opisyal ang pagbibilang ng mga nasawi sa Yolanda sa anim na libo subalit sa kanyang paniwala ay mas marami pa rito ang nasawi.

“I have questioned it from day 1. Six thousand plus ang sabi nila, it’s not six thousand. It’s too late, it’s too late,” anang Pangulo.

Sa kanyang talumpati sa paggunita sa ika-siyam na anibersaryo ng Yolanda tragedy sa Holy Cross Memorial Garden sa Tacloban City, sinabi ng Pangulo kasama sa ginugunita ngayon ay ang maraming biktima na hindi naisama sa opisyal na bilang ng mga namatay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita.

Marami aniyang mga biktima ang nawala sa trahedya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita kaya naniniwala siyang mas marami pa sa anim na libo ang bilang ng mga nawala sa typhoon Yolanda. (Aileen Taliping)

The post Namatay sa ‘Yolanda’ mas marami – Marcos first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments