Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala na magpapataw ng 12% value-added tax (VAT) sa mga digital transactions kasama na ang online streaming service.
Ang House Bill 4122 ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon ng plenaryo nitong Martes.
Nilalayon ng panukala na patawan ng VAT ang online serbisyo gaya ng online advertisement o digital advertising space, digital services kapalit ng subscription fee, at pag-suplay ng iba pang electronic at online services na dumaraan sa internet.
Ang mga non-resident digital service providers (DSP) ay aatasan din na mangolekta ng VAT para sa mga transaksyon na dumaraan sa kanilang platform.
Exempted naman sa VAT ang educational digital services.
Naniniwala ang mga mambabatas na makakakolekta ang gobyerno ng dagdag P19 bilyon sa pamamagitan ng naturang panukala. (Billy Belgas)
The post VAT sa online streaming, digital umusad sa Kamara first appeared on Abante Tonite.
0 Comments