Nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga pribadong sasakyan na gumagamit ng `Pulisya’ markings at logo ng Philippine National Police (PNP).
Kasunod ito ng viral post kung saan isang Toyota Alphard na may marking ng `Pulisya’ at PNP logo ang namataan nang dumaan sa Makati City.
Sa inilabas na pahayag ng NCRPO kaugnay sa nasabing insidente, nilinaw nito na wala silang police vehicle na katulad ng car type at model ng naturang sasakyan.
“If this vehicle is not a legitimate police car, the illegal use of PNP seal/logo is prohibited in any private or public vehicle and NCRPO will never tolerate this once it is apprehended within our area of jurisdiction,” babala ng NCRPO.
Binanggit pa ng NCRPO ang Executive Order No. 297, Series of 2000 na nagbabawal sa hindi otorisadong paggawa, pagbebenta at distribution at paggamit ng uniporme, insignia at iba pang logo ng PNP.
Inalerto na umano ng NCRPO lahat ng kailang unit, partikular ang Makati City Police Station kung saan namataan ang nasabing sasakyan na nag-viral ang litrato para matukoy kung kanino ito.
The post NCRPO hanap Toyota Alphard na may PNP logo first appeared on Abante Tonite.
0 Comments