PBBM inimbita sa palasyo ni Cambodia King Norodom Sihamoni

Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakataon na makilala ang hari ng Cambodia na si Norodom Sihamoni.

Isa ang pangulo sa mga naimbitahan sa Royal Palace ng Cambodia nitong Huwebes para magbigay galang sa hari.

Ayon sa pangulo, isang karangalan para sa kanya na maimbitahan at makilala ang hari ng Cambodia.

Pinasalamatan din ng Pangulo si Cambodian Prime Minister Hun Sen sa ibinigay na pagkakataon sa mga delegadong dumadalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit

“Isang karangalan ang maimbita sa Royal Palace ng Cambodia upang makilala si Haring Norodom Sihamoni. Lubos kaming nagpapasalamat kay Prime Minister Hun Sen sa binigay niyang pagkakataon sa aming ASEAN heads of state and government,” pahayag pa ng pangulo sa kanyang Facebook page. (Aileen Taliping)

The post PBBM inimbita sa palasyo ni Cambodia King Norodom Sihamoni first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments