PH-Australia pakner kontra transnational crime

Nagkasundo ang Pilipinas at Australia na palakasin pa ang pagtutulungan para sa maritime security at paglaban sa mga transnational crime.

Pinag-usapan ito ng mga senior foreign affairs at defense officials sa 6th Philippines-Australia Strategic Dialogue na ginanap sa Maynila nitong Biyernes.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala umano ng magkabilang panig ang kahalagaan ng pagtutulungan at patuloy na pag-uusap para sa maritime security ng dalawang bansa.

Nauna nang nagkaroon ng kasunduan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese na palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa nang dumalo ang mga ito sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation Leaders’ Meeting na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Nobyembre 19.

“The connections between Australia and the Philippines have been long-standing and have become stronger and stronger. We have a sizeable population in Australia of Filipino nationals. And many of them have already taken Australian citizenship and dual citizenship,” sabi ni Marcos sa kanilang pag-uusap ni Albanese.

The post PH-Australia pakner kontra transnational crime first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments