Pista ng presentasyon ni Maria

Ipinagdiwang kamakailan ng Simbahan ang Pista ng “Presentasyon sa Mahal na Birhen” (Nob. 21). Ang nasabing tradisyon ay buhat pa sa mga bansang Silangan noong Ikapitong Siglo at lumaganp sa buong mundo sa pag-uutos ni Papa Sixto V noong 1585. Pinararangalan sa araw na ito ang paghahadog nina San Joaquin at Santa Ana sa kanilang anak na si Maria sa Templo ng Jerusalem.

Walang sa Bibliya ang nasabing ‘early years’ ng Birhen. Hango sa tradisyon ang paggunita ng pag-aalay sa kanya sa Templo bilang pasasalamat sa milagrong paglilihi ng kanyang ina maging sa katandaan. Sa Ebanghelyo ni San Lucas nagsisimula ang istorya ni Maria sa pagdalaw ni Arkanghel Gabriel upang ibahagi ang Mabuting Balita ng pagkahirang sa kanya bilang Ina ng Manunubos.

Di tanggap o aprubado ng Iglesya ang haka-haka na nagbitiw si Maria ng pangako sa Panginoon upang manatiling Birhen habang buhay noong ito’y nasa Templo. Gayunpaman, ayon kay Pope Saint Paul VI, sa kanyang kabataan isinuko na ni Maria ang kanyang sarili at buhay sa Panginoong Diyos na nagkaloob sa kanya ng biyayang manatiling walang-sala noon pa mang siya’y ipinaglihi.

Lumago at nakamit ni Maria ang tugatog ng kabanalan sa pag-lipas ng mga taon dahil sa kanyang total na dedikasyon at kumpiyansa sa banal na kalooban ng Diyos. Ito ang hamon, giit sa Simbahan ng Pista ng Panghahandog kay Maria sa Templo: upang wala din tayong ipagkait sa Panginoon na nagbigay sa atin ng oportunidad na makilala, mahalin at pagsilbihan Siya.

Saad ng Iglesya,“today we celebrate the complete surrender Mary makes to God’s plan for the salvation of mankind. Ask Our Lady to help you live your dedication to the full, in whatever state God has placed you in accordance with the specific vocation you have received.” Samakatuwid, tumatayong inspirasyon si Maria upang isuko ang ating sarili nang may buong pananalig at pagtalima sa disenyo ng Diyos sa ating buhay.

Paanyaaa ng Iglesya sa tanan: “Ugaliing maghandog ng ating pag-iisip, salita at gawa sa Panginoong Diyos, sa pamamagitan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria. Ipatungkol natin ang lahat sa Poon sapagkat ang lahat ay nanggagaling sa Kanya na siyang katuparan ng lahat ng ating mga pangarap.” Kilangan ng Panginoon ang ating kooperasyon upang maibuhos Niya nang lubasan ang Kanyang biyaya sa ating kaluluwa.

Santa Maria, tulungan mo kaming matamo ang ganap na kabanalan sa pag-araw araw naming pamumuhay. Ipanalangin upang gamitin ang aming lubos na kakayahan sa pagtalima sa bulong ng Espirtua Santo sa aming puso nang mag-alab ito at mag-udyok ng kabanalan sa lahat ng kaluluwa na aming nakasasalamuha. Ituon nawa namin ang aming sarili sa buong pag-ibig na pagsisilbi sa Paniginoon na sanhi ng lahat ng kabanalan. Amen.

The post Pista ng presentasyon ni Maria first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments