Ni Nancy Carvajal
Nalansag ng National Bureau of Investigation ang kumakana uling “Sampa-Ipit Taxi Gang” na target ay mga dayuhan na nag-ooperate sa gimikan ng mga turista sa Maynila at mga kalapit na lugar.
Ito ay matapos na madakma ng NBI- Anti – Organized Crime Division (NBI-AOCTD) ang tatlong taxi driver, Sabado ng hatinggabi matapos ang isang buwang surveillance kasunod na rin ng mga ulat nang pagtaas ng robbery hold-up nang magreklamo ang mga nabiktimang turista the City Prosecutor’s Office, ayon sa nakuhang mga opisyal na dokumento.
Kinilala ang nadakip na sina Darryl Sunga Eugenio, Ryan Davantes Espadero aka Bombay at Mark D. Quimel at Ramil Mercado Talampas na nasa loob ng nakaparadang taxi na R. Villegas at may plate number TXZ935 sa may Madre Ignacia cor. Quirino Avenue, Malate, na kinilala mismo ng kanilang mga nabiktima.
Base sa pahayag ng mga biktima at sa CCTV footages, ang nasabing taxi ang gamit ng mga nadakip sa kanilang pag-atake.
Ibinahagi ni Senior Agent Darwin Francisco na muling binuhay ng grupo ang iligal nilang gawain matapos ang ilang taong pahinga nang madakma ng pulisya ang dalawa nilang kasama na kamakailan lamang ay nakalabas mula sa Manila City Jail.
Lumalabas pa na hindi bababa sa 50 robbery -hold up na mga insidente ang napagtagumpayan ng nasabing gang sa mga nakaraang taon, bukod pa rito ang sinasabing rape and robbery.
“They resumed their criminal activities in August and at least four victims have reported to authorities,” sambit ni Franciso.
Sinabi ni Francisco na ang modus ng gang ay gaya pa rin ng luma nilang istilo sa pag-akit sa kanilang mga target.
“The gang operates from closed to midnight until dawn, and their targets are taxi-riding tourists, however we received information that they have escalated and planned to kill their next victims due to increasing complaints against them,” ayon pa kay Francisco.
Modus aniya ng grupo na i-disorient muna ang kanilang target bago makarating sa destinasyon at lalansiing may engine failure ang taxi sa madilim na bahagi ng tourist belt.
“Ang una nilang ginagawa, yung taxi na sinasakyan ng target kunyari nasira, the second taxi pasakayin yung target passenger- a third taxi will tail them-to ward off probable witnesses, then titigil yung taxi –sasakay yung holdupers.’’ Hindi na makapalag at makababa kasi child- locked is on and this controlled only by the driver/ robber” paliwanag ni Francisco.
Kasunod noon ay igagapos na ang mga biktima at kapag nalimasan na ng gamit ay saka aabandonahin.
The post `Sampa-ipit’ Taxi gang kinana 50 foreigner first appeared on Abante Tonite.
0 Comments