VP Sara caretaker uli sa pagbiyahe ni PBBM

Muling itinalaga ng MalacaƱang si Vice President Sara Duterte bilang caretaker ng gobyerno habang nasa ibang bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bumiyahe ang pangulo nitong Miyerkoles ng hapon upang dumalo sa 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia na tatagal ng ilang araw.

Si VP Sara ang tumayong caretaker ng bansa sa mga nakalipas na biyahe ng pangulo partikular sa Singapore at Indonesia at ang pinakahuli ay sa Estados Unidos.

Inaasahang babalik sa bansa si Pangulong Marcos kasama ang kanyang delegasyon sa Linggo, November 13. (Aileen Taliping)

The post VP Sara caretaker uli sa pagbiyahe ni PBBM first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments