Alamin ang gagawin ng SB19 sa Pasko

Ang bagong kanta ng SB19 na Nyebe ay isinulat ng miyembro nilang si Pablo noong kasagsagan ng pandemya.

“In a way gusto ko pong maghatid ng isang kanta na kung ano yung talagang nararamdaman ko, nararamdaman din po ng mga tao sa paligid ko,” ang pahayag ni Pablo.

Samantala, siguradong curious ang kanilang napakaraming fans na malaman kung saan at paano ipagdiriwang ng bawat miyembro ang Pasko.

Si Pablo raw ay sasamantalahin ang bakasyon upang tapusin ang iba pa nilang mga kanta, ganoon rin si Josh.

“Tapusin ko po yung mga tinatrabaho ko,” ang sabi ni Josh.

Halos pare-pareho naman ang sagot nina Stell, Justin at Ken.

“I’ll spend time with family. Ilang months na po akong hindi nakakauwi sa amin sa family ko po,” sabi ni Stell.

“Ako po sa bahay lang din po,” sabi ni Justin.

“Mag-spend po ng Christmas sa family,” ang pahayag naman ni Ken. (Rommel Gonzales)

The post Alamin ang gagawin ng SB19 sa Pasko first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments