Makabuluhan at makasaysayan ang ginanap na entertainment event ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) sa kanto ng Sct. Borromeo at EDSA noong Bonifacio Day. Ito’y pinamagatang “Celebrities ATBP laban sa Climate Change.”
Nakiisa ang ilang celebrities, cosplayers at iba pang kilalang personalidad sa iba’t ibang larangan para sa adbokasya at ipinaglalaban ng CAPMI sa pangunguna ng chairman nitong si Dr. Michael Aragon.
Tinalakay nila ang nakababahalang isyu tungkol sa climate emergency at nakiisa sa malarebolusyonaryong pakikibaka sa climate change.
Nakita namin si Ali Forbes na kumanta at nanawagan sa mga polluters na bawasan na ang kanilang carbon footprints nang kahit paano ay makaiwas sa deadly effects ng climate change.
Sinabi ng beauty queen-actress na matagal na siyang supporter ng adbokasiya ng CAPMI sa climate change. Lagi siyang nandiyan para sa awareness program nina Dr. Aragon.
“Taong 2012 pa kami magkakasama nina Doc sa mga show at ‘yan na ang pinalaganap namin. Kumbaga, pagsisimula ng isang rebolusyon gaya ng sabi niya. Na ngayon umabot na sa pag-file ng class suit,” deklara ni Ali.
Kinanta at sinayaw ni CAPMI Singing Ambassador Cess Cruz kasama ang Jazz Clean Air Band ang “MAGALENHA” (Climate Dance song), habang rumarampa ang mga contestant na cosplayer.
Nagsilbing host naman ang singer-actor na si Lance Raymundo. Nandoon din ang character actress na si Chase Romero,
Umaapela ang kanilang grupo sa mga bansang nagpaparumi sa kapaligiran.
“We are now in the process of filing a trillion dollar class suit versus polluter countries across the globe and to hold them responsible for all the effects of climate change to the Philippines” bulalas ni CAPMI President Dr Leo Olarte sa naturang event.
“Ang international class suit ay ihahain sa international tribunal laban sa highly industriized carbon polluter na mga bansa gaya ng Amerika, Tsina, India, to hold them legally accountable sa naging makamandag na epekto nito hindi lang sa bansa kundi sa mundo,” dagdag pa niya. (ROLDAN CASTRO)
The post Ali, Lance, Cess umapela sa mga nagpaparumi ng kapaligiran first appeared on Abante Tonite.
0 Comments