Winner ang aktor na si Nico Antonio dahil makikipagsabayan siya sa mga beteranong Korean actor sa aktingan.
Kasama sNico proud sa Korean serye: Hindi tayo napahiya
Winner ang aktor na si Nico Antonio dahil makikipagsabayan siya sa mga beteranong Korean actor sa aktingan.
Kasama siya sa upcoming Korean action series na “Big Bet” na mapapanood worldwide simula Dec 21 sa streaming app na Disney+.
Makakasama ni Nico sina Choi Min Sik (“Old Boy), Son Suk-ku (“The Outlaws 2”), Lee Dong-hwi (“The Extreme Job”), Heo Sung-tae (“Squid Game”) at Kim Joo-ryung (“Squid Game”).
“Ako dito si Mark Flores, isang CIDG operative na naatasang imbestigahan ang mga nangyayaring pagpatay sa Korean citizens dito sa Pilipinas,” sambit ni Nico.
January nitong taon nang mag-audition siya para sa “Big Bet.”
“Wala ako idea kung ano tong pinaga-auditionan ko until I had a callback and ‘yun na, no other than director Kang Yoon-sung met with me and explained to me the role,” kuwento ni Nico.
“Doon ko na rin na-realize na importante pala yung role ko.”
Si Nico ang pinakaunang Pinoy actor na pinatawag at sinama sa cast ng director na si Yoon-sung.
“I saw Nico’s natural acting. I have seen some of Nico’s acting footage and I believe he knows what good acting is about. He knows it,” bulalas ni Yoon-sung.
Sa isang interview, binunyag ni Yoon-sung na ang kwento ng “Big Bet” ay inspired sa kakilala niyang Korean casino owner sa bansa. Matapos makilala ang mga tao sa paligid nito, naisipan niyang gumawa ng kwento at gawin itong isang drama series.
“I always wanted to work on a drama series, featuring a long story. And I thought delivering ‘Big Bet’ with two different parts was an appropriate choice for the viewers to enjoy the series,” pahayag ni Yoon-sung.
Nang tanungin tungkol sa kanyang experience, inilarawan ito ni Nico bilang “challenging yet fulfilling” lalo pa kung isa kang Pinoy actor na nakakatrabaho ang ilan sa pinaka-professional na mga aktor at pinaka-experience na production crew.
“You have to be on your toes always. Yung mga aktor na katrabaho ko lahat sila ready pagdating sa set.”
Anyway, proud si Nico hindi lang sa kanyang performance kung hindi sa lahat ng kapwa Pinoy actors nya na naging bahagi ng “Big Bet.”
“Hindi naman tayo napahiya. Naitayo naman natin ang bandera ng Pilipinas,” deklara ni Nico.
Maging ang direktor na si Yoon-sung ay masaya sa naging performance ng mga Pinoy actor lalo na kay Nico. “I’m very happy to work with Filipino actors and staff for three months. I couldn’t make this series without their dedication,” aniya. “(Nico) definitely did well. I could imagine who Mark was when Nico first played his role in shooting. He is an amazing actor.”
Ang “Big Bet” ang pinakamalaking acting break to date ni Nico matapos ang kanyang 19 years sa showbiz. Nagsimula siya bilang talent sa “Panday” na pinagbibidahan ni Jericho Rosales.
Isa sa pinakatumatak niyang role ay ang karakter ni Tolayts sa top rating ABS-CBN serye na “On the Wings of Love.”
Lingid sa kaalaman ng marami, si Nico ay nag -aral ng abogasya sa San Beda College at San Sebastian College. Nakapagtapos siya ng AB European Studies sa Ateneo De Manila University.
“Minsan ko nang pinag-isipan noon kung law o acting ba ang ipu-pursue ko pero acting talaga ang sinisigaw ng puso ko,” sabi ni Nico.
Tila tama naman ang kanyang naging pasya dahil ang “Big Bet” ay isa lamang sa tatlong international projects na kanyang ginawa at mapapanood soon sa tatlong magkaibang giant streaming platforms.
Abangan si Nico sa “Big Bet” ngayong Dec 21 na sa Disney+/
Para sa inquiries kay Nico, i-email lang ang Aguila Entertainment sa inquiry@aguilaentertainment.ph

0 Comments