Inaasahang magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo na magiging epektibo bukas, Martes, base sa monitoring ng Department of Energy.
Ayon sa DOE, ang diesel na karaniwang ginagamit sa mga pampublikong sasakyan ay posibleng magkaroon ng bawas-presyo na P3.20 hanggang P3.50 kada litro.
Samantala, asahan din umano ang bawas-presyo sa gasolina na nasa P2.60 hanggang P2.90 kada litro.
Magkakaroon din ng malaking rollback sa kerosene na P4 hanggang P4.30 kada litro. (Catherine Reyes)
The post Bawas-presyo sa diesel higit P3, gasolina lagpas P2 first appeared on Abante Tonite.
0 Comments