Dagdag-sahod sa pribadong sektor ipoporma

Ipinadala ng House committee on labor and employment sa subcommittee ang mga panukala na may kaugnayan sa minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, chairperson ng komite, aasikasuhin ng subcommittee on labor standards ang mga panukala na itaas ang minimum wage ng mga nagtatrabaho sa pribadong sektor.

“Congress recognizes the clamor for an increase in minimum wage to help our fellow Filipinos cope with the rising cost of goods,” sabi ni Nograles.

“Everyone is aware that this is an urgent issue that requires immediate action. Makakaasa po ang mga kababayan natin na hindi magpapabaya ang buong komite, at maging ang buong Kongreso sa pagtalakay kung ano ang pinakamainam na solusyon sa kanilang panawagan,” ayon pa sa kongresista.

Mayroong pitong panukala na ipinadala sa subcommittee. (Billy Begas)

The post Dagdag-sahod sa pribadong sektor ipoporma first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments